Thursday, December 24, 2009

Chapter 1;2/2 - FEBRUARY 13

"Ito na ang gabing di malilimutan dahan-dahan tayong nagtinginan"

Naabutan pa namin si tita Lily na nanay ni Larry [haha] sa labas ng gate nila. Baby talaga ang turing nila kay only son. Hindi siya makalabas ng bahay na walang bimpo sa likod. Minsan, spongebob, minsan winnie the pooh, minsan floral, pero hindi pa dumadating sa hello kitty and mimi [Thank You Lord]. Nag-hi lang ako tapos pumasok na sa bahay naming katabi lang sa kanila. Pag pasok ko sa bahay, si ate Lucy[fer] ang nakita ko. Wala pa ang parents ko, parehong nagwo-work.


*Lucy: Bakit ngayon ka lang?
*Leah: Anong meron?... Lagi naman akong ganitong oras umuuwi
*Lucy: Naniniguro lang
*Leah: Tigilan mo na ang bawal na gamot ate!


Hindi ko alam ano ang meron sa ate ko at ganyan sya parati. Katatapos lang nya ng Civil Engineering at naghihintay na lang ng resulta ng board. Bored na siguro sa bahay kaya parang timang.


Dumeretcho na ko sa hideout ko also known as ang kwarto. Nagpalit na ko ng pambahay at tuloy padin sa pag-iisip ng tungkol sa prom. Hindi ko alam ang mararamdaman pag nakita ko ang crush ko na kasama ang sinasabi nilang crush daw nya DI UMANO. Anuhin ko sila eh! Hay. Oh yeah! It's Laura Florante na hindi ko naman mahanapan ng ganda. Hindi ako maganda pero hindi ko talaga alam ang maganda sa isang babaeng konti lang ang nilamang ng harina ng espasol sa puti kayasa sa nilalagay nyang polbo or gawgaw ata yun. Pero lagi kasi silang magkasama ni papa Harvey. Baka nga gusto nya si Laura. Hindi ko alam, mahilig pala sya sa kakanin. "Leah! baba na, kakain na tayo" biglang basag ng boses ni mommy sa iniisip ko. Sumagot ako na bababa na ko.


Pagkakain namin, bumalik ako sa kwarto para gumawa ng assignments, 8:47 na nga gabi pag tingin ko sa relo. Ayan 8:48 na, kailangan na talagang gumawa. Habang binubuklat ko yung libro ko, may biglang bumato sa bintana ng kwarto ko. Akala ko lalabas si Edward Cullen. Pag bukas ko para silipin si Edward Cullen, wala, nasa baba ang bampirang si Larry at sinenyasan akong bumaba. Umiling ako para lang pala hindi matiis ang bestfriend kong pinuputakti ng lamok at inaambunan na ng hamog. Niyaya n'ya ko na pumunta sa park. Sumama na lang ako kay Larry. Iniwan kong nakatengga yung ginagawa ko sa taas. Si Edward Cullen talaga!

Naglakad lang kami. Salamat sa pagod ko, naalala ni Larry na hindi ako si Robocop para hindi hapuin. Umupo kami sa bench. Humiga ako sa lap ni besty. Para kaming magtatay, ako yung tatay, chos. Nagumpisa syang bumasag ng katahimikan.


*Larry: Besty, wala ka na bang balak pumunta ng prom?
*Leah: Depende, pero parang wala na ata. Wala kasi akong date. Para kong flower vase.
*Larry: Pinipilit ako ni mommy!
*Leah: WEH?... Eh di good!
*Larry: Wala akong ka-date eh.
*Leah: Eh pareho lang pala tayo ng problema eh
*Larry: Oo nga eh... Pero...
*Leah: Pero kaya kitang ihanap! Bukas tayo maghanap!


Napatayo ako sa excitement para kay besty. Hinawakan ko yung kamay nya para palakasin ang loob nya. Siguro nahihirapan sya sa sitwasyong nangyayari. Ako din eh. Pero wala na ata dapat sa isip ko yun. Ayoko na! Nagyaya nang bumalik sa bahay si Larry. Tahimik pa din sya buong paglalakad namin. Pagod na ata. Nang dumating kami sa mga bahay namin, natulog na s'ya, ako, nag-iisip pa din ng tungkol kay Harvey. Alam kong para na kong tanga, pero hindi ko talaga maiwasan eh.



to be continued...

Wednesday, December 23, 2009

Chapter 1;1/2 - FEBRUARY 13

"Nanginginig na mga kamay puso kong di mapalagay. Pwede ba kitang tabihan, kahit na may iba ka nang kasama?"

Naglalakad ako sa red carpet papunta sa hall kung saan nagagaganap ang prom. Wala akong kasama kundi ang kaba at ang takot na walang mangyari sa pagpunta ko. Soot ko ang itimna gown na gawa ni Inno Sotto. Paglapit ko sa receptionist para ibigay ang invitation ko, nakita kong nakatingin sa'kin ang lahat ng mga tao sa ball. May mga nakatutok na camera at mga tingin na para bang isang kibot ko lang ay handa silang humanga. Tumigil ang lahat nang pumasok na ako. Nakapalibot sila sa'kin na parang mga isdang naghihintay ng pagkain, pero biglang nahati sila na tila ba Red Sea. May prinsipeng na naghihintay ng isang prinsesang bubuhay sa kanyang mga pangarap. Naglakad ako papunta sa kanya . Iniabot nya sa akin ang kamay nya at inalalayan ako papunta sa gitna ng dance floor. Nagsayaw kami. Ang lagkit ng tingin nya sakin na para 'kong lumalangoy sa kalamay. Hindi ako makapaniwalang kasayaw ko ang lalaking matagal ko nang hinahangad na makasama. si HARVEY OCAMPO, ang team captain ng varsity sa basketball ng pinapasukan kong high school. Habang nagsasayaw kami, may biglang bumato sakin ng blackboard eraser.

"Ms. Leah Jimenez, what do you think you're doing? If you are not interested with the lecture, you are very free to go out" sabi ng best friend kong si Ms. Agaslaw. "I'm sorry" na lang ang kaya kong idefense sa pagkakasupalpal sakin ng uliran kong guro. Wala na kong nagawa, sa sobrang hiya, panandalian akong nawala sa ulirat, after 2 seconds, ok na ulit, back to the ball game.

RIIIIIIIIIING!!! Bell na para sa dismissal. Naghihintay na ang best friend ko (seryoso na) sa labas ng classroom. Magkaibigan din ang parents namin kaya magkarugtong ng sobra ang buhay namin. Matalino si Larry, sobra. Ang dami nyang talent, isipin mo na lahat, nagagawa nya, mula sa pagtugtog ng mga instruments hanggang sa pagpepaint gamit ang charcoal, saltik lang yan sa kanya.

Naglalakad kami palabas ng school nang mapadaan kami sa batch bulletin board. Shocks! Sa 17na pala yung prom. HIndi pa ako nakakapag decide kung pupunta ba ako oh ituturing ko na lang yun na isang malaking joke ng buhay ko. Baka kasi pagdating ko sa prom night lumabas si Michael V. at sumigaw silang lahat ng "YARI KA" pag dumating ako dun.

*Larry: Sasama ka ba sa prom?
*Leah: Hindi ko alam, wala akong isosoot... Wala din akong ka-date!
*Larry: AKO! uhm... ako din hindi aatend.
*Leah: Oh?

Pagkatapos naming mag-usap na parang wala lang, iniwan namin yung bulletin board na kung tutuusin eh araw-araw tumatawag ngpansin ko. Pag-apak ko pa lang sa labas ng gate, nakita ko na agad si Harvey kausap angt mga alipores nya sa basketball team. Hay grabe para s'yang ipinadalang anghel para paligayahin ang araw ko. Kung sya man ang solusyon sa mga problema ko, malamang,,, tsk ewan, hindi ko pa naman s'ya nakaka-usap.

*Larry: Besty, gutom na 'ko
*Leah: Eksakto, libre mo 'kong fishballs
*Larry: Tara

Hindi nagsasawa sakin si besty kahit na sa bawat segundo ng buhay nya eh kinukulit ko lang sya nang parang walang bukas. Sana hindi s'ya magsawa dahil alam kong wala nang manlilibre sakin ng tuwa, ng pasensiya, ng pang-unawa, at s'yempre, fishballs.

Pagkatapos namin kumain ng fishballs, umuwi na kami ni besty.


...to be continued